1993

Ang UniTeller ay itinatag ng mga negosyante na ang hangarin ay makapagbigay ng maayos at siguradong paraan ng pagpapadala ng pera sa Latin Amerika sa tama at kayang halaga. Ang UniTeller ay kinilala ng mga Pilipino sa Amerika na isa sa may pinakamabilis at siguradong paraan ng pagpapadala ng pera sa kanilang mga kamag-anak sa Pilipinas.

1999

Ang lokal na tanggapan ng UniTeller sa Pilipinas, UniTeller Filipino Inc. ay itinatag upang lalong mapaglingkuran ng maayos ang mga nagpapadala at ang kanilang mga kamag-anak na tumatanggap ng pera. Sa pamamagitan ng UniTeller Filipino, nakakasiguro kayo na ang salaping ipinadala sa UniTeller ay matatanggap ng inyong kamag-anak ng sigurado at mabilis sa pamamagitan at tulong ng aming mahigit sa 2,900 Paying Locations.

2000

Taong 2000, inilunsad ng UniTeller ang “UniTeller Instant Money Transfer Card”. Sa pamamagitan ng UniTeller Instant Money Transfer Card, naalis nito ang masalimuot na proseso ng pagpapadala ng pera, tulad ng paggamit ng makalumang money transfer forms na kasalukuyang ginagamit pa ng ibang kumpanya ng money transfer. Ang UniTeller Instant Money Transfer Card System ay ginagaya ng iba subalit ang UniTeller ay nananatiling nangunguna sa pagbibigay ng mas makabago at mas ligtas na sistema kaysa sa mga ibang kumpanya.

2006 - 2007

Ang UniTeller at ang Grupo Financiero Banorte, na kabilang sa isa sa mga malalaking Financial Group sa Latin Amerika at ika-apat sa Mexico ay nagsama upang lalong mapalakas at mapagsanib ang kakayahan ng kanilang Money Transfer System. Kinikilala kami ngayon na UniTeller Banorte.

Ang UniTeller Ngayon

Sa kasalukuyan, kahit marami na ang mga kumpanya ng Money Transfer, ang UniTeller ay nananatiling pinakamahusay na paraan sa pagpapadala ng pera at laging nangunguna sa pagbibigay ng maraming serbisyo sa tamang halaga na abot kaya ng maraming Pilipino. Sa pagsanib ng UniTeller sa Grupo Financiero, lalo itong lumakas at nadagdagan ang kakayahan na makapagbigay ng maayos na paraan sa pagpapadala ng pera.



Tungkol sa UniTeller || Kasaysayan ng UniTeller | Mission, Vision and Values
Serbisyo || Nagpapadala ng Cash ang UniTeller | Domestic na Pagpapadala ng Pera ng UniTeller | UniTeller para sa Account sa Bangko | Door-To-Door Serbisyo
Sistema ng Money Transfer|| Money Transfer para sa POS Terminal | InstaPago Web Transfer | Telepono/Fax Money Transfer
Karagdagang Impormasyon|| Programa para sa Anti-Money Laundering | Mga Selling Agent Network | International Paying Network | Mga kadalasang tanong
Makipag-ugnayan sa UniTeller || Tulong sa mga Kostumer | Tulong para sa mga Ahente | Oportunidad ng Trabaho
Maging Ahente || Bakit maginhawa ang UniTeller para sa akin? | Mga kadalasang tanong | Hilingin ang Serbisyo
Problems with the website? Direct your inquiries to: webmaster@uniteller.com
UniTeller at Servicio UniTeller ay mga rehistradong tatak-pangkalakal ng UniTeller Financial Services, Inc. (UFSI) at ang bilog at ang logo ng palaso ay ang lahat ng serbisyo ng mga marka ng UFSI. Copyright 2002-2005 UFSI. All rights reserved. U.S. Pat. 6,983,013. Servicio UniTeller, Inc (UniTeller) ay lisensiyado bilang isang tagapagpadala ng pera sa Kagawaran ng Pagbabangko sa Estado ng New York. UniTeller ay lisensiyado maging sa iba pang Estado. Pribadong Patakaran.