 |

|
 |
Mission
Hangad ng UniTeller ang makapagbigay ng mataas na kalidad ng serbisyo sa pananalapi bilang tulay sa mga Pilipino na nasa Amerika o Canada at sa kanilang mga pamilya na naiwan sa Pilipinas. Lagi kaming naghahangad na mapanatili ang pinakamataas na kalidad ng aming serbisyo, manatili na tapat sa aming mga tagatangkilik at panatilihin ang aming responsibilidad bilang isang iginagalang sa industriya.
Vision
Ang aming pananaw na maging napakahalagang taga-pagbigay ng serbisyo sa pananalapi sa mga Pilipino Immigrants at kanilang pamilya sa Pilipinas at maging matibay na tulay sa kanila habang kami ay patuloy na magbibigay ng mahusay na serbisyo sa halagang abot kaya ng lahat. Nais din namin na maging matibay na kaakibat sa mga mahahalagang sangay na naghahangad ng maayos na kasama sa industriya ng Money Remittance sa Amerika at Canada. Bilang kasama sa Grupo Financiero at ng isang bangko na may sangay sa Amerika at Mexico, patuloy kaming magiging matatag at pinakamahusay na kasama sa industriya.
Values
Ang UniTeller ay nabuo at tumatag sa likod ng mga matitibay na katangian na aming pinapahalagahan. Ang mga ito ang kumakatawan sa taas nang aming pag-uugali at gawain at sumasalamin sa aming pananagutan sa aming mga manggagawa, mga tagatangkilik, mga kasama sa industriya at ang pinakamahalaga, sa bayang aming ginagalawan.
- Karangalan -- Mananatili kaming mataas ang panuntunan, katapatan at kakayahan na matupad ang aming pananagutan.
- Aming Manggagawa -- Patuloy naming isusulong ang pagpapaunlad nang aming mangagawa at patuloy silang bibigyan nang kaukulang gantimpala na tugma sa kanilang nagawa.
- Makabago -- Patuloy naming isusulong ang magkaroon ng “entrepreneurial spirit” at patuloy naming pahahalagahan ang ano mang mga pagbabago na makakatulong sa tagumpay ng aming layunin.
- Team Work -- Sama-sama kaming magsisikap na maibahagi ang aming mga kaalaman at kakayahan sa buong mundo.
- Laging Manguna -- Lagi naming nanaisin na maging higit sa lahat, hindi lamang bilang magkakasama, sa halip ay kahit bilang isang tao.
|
 |