1.Pinakamagaling na serbisyo ng padalahan
Ang UniTeller System ay nagbibigay daan upang mapabuti ang serbisyo para sa mga kostumer. Dahil sa Internet at POS platporm ang dating mahabang proseso ng pagpapadala ay pinadali at pinabilis.
2. Abot Kayang Service Fee
Bukod sa abot-kayang Service Fee, sa UniTeller ay maaari kang pumili ng araw-araw o buwanang bayad sa iyong komisyon na cash o cheque.
3. Network ng mga Paying Agent
Ang UniTeller ay may isa sa mga pinakamalawak na Paying Agent Network na may daan-daang lokasyon sa buong Latin Amerika at Pilipinas. Ang pera ay matatanggap ng iyong mga tagatanggap saan mang lokasyon na malapit sa kanila.
4. Tiwala at suporta mula sa isang pinakamalaking bangko sa Latin Amerika
Ang UniTeller ay suportado ng Banorte Financial Group, isa sa pinakamalaking Grupo ng Pinansyal at bangko sa Latin Amerika.
5. Naiibang Programa
Bukod sa cash payment, ang UniTeller ay may iba pang paraan ng pagbabayad sa ilang lokasyon:
- Direct deposit sa account ng Banko: Automatic Money Transfer sa maraming Bank Account sa Pilipinas na may espesyal na bayad at exchange rate.
- Ipadala ng diretso sa tahanan sa Pilipinas.
6. Promosyon at nakakaibang programa ng Ahente
Ang UniTeller ay may kakaiba at pansariling programa sa bawat negosyo. Iaalok namin ang kakaibang promosyon upang mapatibay ang relasyon ng kostumer at ahente. Ang UniTeller ay mag-aalok din ng marketing materials upang itaguyod ang ating serbisyo.
7. Aktwal at Pangsariling Serbisyo
Maasahan ang personal na serbisyo ng UniTeller na may taon-taong karanasan sa industriya ng Money Transfer. Garantisado na may nakalaang suporta upang matugunan ang iyong pangangailangan sa pagpapadala ng pera. Dahil sa taon-taong karanasan makakaasa na ikaw ay aming gagabayan sa iyong mga katanungan.
8. Suportang Pang-legal at Pagtuturo ng Anti-Money Laudering
Ang aming Legal Departament ay magbibigay ng buong impormasyon, materyales at pagsasanay upang sumunod sa pederal anti-money laundering na mga batas na kilala rin bilang BSA.
9. Mga Insentibong Programa
Ang UniTeller ay may mga nakalaang programa para sa iyo at sa iyong mga kostumer.
10. Customer Service
Ang Customer Service sa Estados Unidos ay maaring tumulong sa inyo simula Lunes hanggang Linggo, 7am to 12mn. Samantalang ang UniTeller Filipino, Inc. ay bukas ng 8:00am-5:30pm simula Lunes hanggang Biyernes at 9:00am-1:00pm tuwing Sabado upang tulungan ang inyong mga tagatanggap.
|