Mga Kadalasang Tanong ng Mga Selling Agent.
Sino ng UniTeller ?
Ang UniTeller ay isang awtorisado at lisensiyadong kompanya na padalahan ng pera. Ito ay itinatag noong 1992 sa Rochelle Park, New Jersey, USA. Ang UniTeller ay isa sa mga pinakakilalang padalahan ng pera.
Sa kasalukuyan, ang UniTeller ay bahagi ng Banorte USA, isang US Bank Holding Company na sangay ng Grupo Financiero Banorte ng bansang Mexico at isa sa pinakamalaking miyembro ng mga kumpanya sa pananalapi sa Latin Amerika.
Ang UniTeller ay mayroong malawak na Selling Agent Network sa buong Amerika (sa 41 na Estado) at ang malaking network sa lahat ng dako ng Pilipinas at Latin Amerika.
Ang UniTeller ay pinangangasiwaan ng sarili nitong Money Wire System, kabilang ang Web Interface Applications, ang patented nitong POS Card Service, at ang regular na Phone/Fax system.
Ano ang mabuting maidudulot ng pagiging isang UniTeller Agent?
- Madagdagan ng kita ang iyong negosyo sa bawat perang ipinapadala sa iyong tindahan
- Makakadagdag ng mga bagong kostumer sa pamamagitan ng pagbibigay ng aming mga serbisyo
- Kami ay nagbibigay ng mga kagamitan na iyong kakailanganin upang makumpleto ang pagpapadala ng pera
- Ikaw at ang iyong mga manggagawa ay magkakaroon ng pagsasanay at marketing support
Kailangan ko ba ng pera para sa kapital?
Hindi. Ang UniTeller ang nagbibigay ng mga kagamitan at pagsasanay na iyong kakailanganin ng walang bayad. Kami ang maglalagay ng mga kagamitan sa pagpapadala, kabilang na ang mga pagsasanay para sa iyo at sa iyong mga manggagawa, hanggang sa matutuhan ninyo ang paraan sa pagpapadala ng pera.
Matagal ba ang ang proseso ng pagpapadala ng pera?
Hindi, ang UniTeller POS Terminal System at ang Internet Web Interface ay nagpapadali at nagpapabilis sa proseso ng pagpapadala. Ang pagpapadala ng pera ay maaaring gawin sa loob lamang ng 30 segundo!
Kung nais mo ang paraan na pinaka simple sa pamamagitan ng telephone o fax system, maaaring gawin ang pagpapadala sa loob lamang ng 3 minuto.
Ano ang downside ng pagiging isang UniTeller Agent?
Kung ang perang ibibigay sa iyo ng iyong mga kostumer sa hinaharap ay mapamahalaan mo ng maayos, ang pagpapadala ng pera sa UniTeller ay dagdag kita sa iyong tindahan
Ang paglagay ng UniTeller sa iyong negosyo ay hindi nangangahulugan na mababawasan mo ang iyong panahon sa pangangalaga ng iyong kasalukuyang pangkabuhayan. Sa halip, ito ay magandang paraan upang lumaki ang kita at makadagdag ang dami ng iyong mga bagong kostumer pa sa iyong negosyo. Para sa mga katanungan at karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa aming Kostumer Service Center upang bigyang linaw ang inyong mga katanungan.
Bakit kapaki-pakinabang ang pagpili sa UniTeller?
Ang UniTeller ay isang kumpanya na kinikilala ng aming mga kostumer at mga ahente. Dahil ang UniTeller ay kabilang sa isang Major Financial Group, ikaw ay nakakasiguro na mabibigyan ng sigurado at katiyakan ang bawat kostumer. Sa UniTeller, makakasiguro ka ng isang ligtas, mabilis at mataas na kalidad na serbisyo
Sa iyong pagpili sa UniTeller, ikaw ay makakuha ng mga sumusunod na karagdagang benepisyo:
- Libreng mga kagamitan
- Pagsasanay at suporta para sa iyo at sa iyong mga manggagawa
- Kostumer Service na inyong maaasahan buong linggo (7 araw)
- Kaunting oras lamang ang magagamit upang maisagawa ang mga transaksyon
- Ang mga materyales para sa Marketing at Promotion ay maaaring ibigay sa iyo na walang bayad
- Ang katiyakan na ikaw ay may isang malakas na kompanya na maaari magbigay suporta mula sa Banorte Financial Group
Kailangan ko ba na magbayad ng materyales para sa publicity?
Kami ang nagbibigay ng mga materyales na kailangan katulad ng posters, danglers, at mga gamit na ipamamahagi para sa promotion. Paminsan-minsan, kami din ay naghahayag sa Media para sa Pilipinas at mga napiling merkado sa Estados Unidos.
Ano ang mga karagdagang benepisyo ng UniTeller para aking mga kliyente?
- Ang iyong mga kostumer ay makakatiyak ng isang ligtas at mabilis na serbisyo sa kanilang pagpapadala ng pera sa UniTeller
- Maginhawang Pagkuha ng Perang Padala mula sa aming malawak na Paying Agent network na matatagpuan sa mga strategic points na malapit sa kanilang trabaho o bahay
- Ang perang ipinadala ay makarating ng mabilis sa loob lamang ng ilang minuto
- Gayundin, ang iyong mga kostumer ay masisiyahan sa mga kapaki-pakinabang na promosyon ng UniTeller
Makakatanggap ba ako ng magandang kita sa pagpili ko na maging isang UniTeller Selling Agent?
Ang UniTeller ay nagbibigay ng magandang komisyon ayon sa kita ng iyong negosyo at ito ay maihahambing na mas maganda sa iba komisyon ng ibang mga kumpanya. Para sa mga Selling Agents na may malalaking negosyo, ang UniTeller ay handang magbigay ng espesyal na Commission Schedule. Hangarin namin na ang UniTeller ay magiging bukod tanging kumpanya na makapagbibigay sa iyo ng isang mahusay na plataporma sa pagpadala ng pera, ang pinansiyal na kagalingan ng isang Major Financial Group, at isa sa may mga pinakamahusay na Paying Agent network sa Pilipinas at sa Latin Amerika.
|