Mga kadalasang tanong ng mga kostumer.  

Sino ng UniTeller ?

Ang UniTeller ay isang awtorisado at lisensiyadong kompanya na padalahan ng pera. Ito ay itinatag noong 1992 sa Rochelle Park, New Jersey, USA. Ang UniTeller ay isa sa mga pinakakilalang padalahan ng pera.

Sa kasalukuyan, ang UniTeller ay bahagi ng Banorte USA, isang US Bank Holding Company na sangay ng Grupo Financiero Banorte ng bansang Mexico at isa sa pinakamalaking miyembro ng mga kumpanya sa pananalapi sa Latin Amerika.

Ang UniTeller ay mayroong malawak na Selling Agent Network sa buong Amerika (sa 41 na Estado) at ang malaking network sa lahat ng dako ng Pilipinas at Latin Amerika.

Ang UniTeller ay pinangangasiwaan ng sarili nitong Money Wire System, kabilang ang Web Interface Applications, ang patented nitong POS Card Service, at ang regular na Phone/Fax system.


Saan ko matatagpuan ang mga ahente ng UniTeller para makapagpadala ng salapi?

Mayroon kaming mahigit na 1,700 ahente sa mga sumusunod na Estado:

Alabama, Alaska, Arizona, Arkansas, California, Colorado, Connecticut, Florida, Georgia,  Hawaii, Idaho, Illinois, Indiana, Iowa, Kansas, Louisiana, Maryland, Michigan, Minnesota,  Missouri, Mississippi, Montana, Nebraska, Nevada, New Jersey, New York, North Carolina, Ohio, Oklahoma, Oregon, Rhode Island, South Carolina, Tennessee, Texas, Utah, Virginia, Washington D.C, Washington State y Wisconsin.

Canada, kami ay matatagpuan sa mga Probinsya ng: Alberta, Ontario, Quebec at British Columbia.


Saan ko makikita ang pinakamalapit na ahente?

Para malaman kung saan ang pinakamalapit na ahente, maaari ninyong tawagan ang aming kostumer service call center:

  • United States : 1.800.495.5674 / 1.800.670.1113
  • Mexico: 01800.833.4700
  • Philippines: 1.800.1888.4611
  • Sa ibang panig ng mundo, maaari niyong tawagan ang sumusunod na numero sa U.S.: 1.201.345.2000


Hanggang magkano ang maaari kong ipadala?

Ang pinakamataas na halaga na maaari mo na ipadala ay $2,000. Maaari ka magpadala ng mas malaking halaga kung ikaw ay may sapat na impormasyon na kailangan gaya ng opisyal na ID, at katunayan ng iyong kinita.


Anong ID na kailangan ng aking kamag-anak upang makolekta ang padala?

Ang karaniwang kailangan nilang ipakita ay opisyal na ID sa bansa kung saan sila nakatira na may litrato gaya ng Driver’s License, National Identity Card, Pasaporte, Voting Card, atbp.

Paano mako-kolekta ng aking pamilya ang padala?

Madali lamang iyon, kailangan lamang dalhin ng iyong taga tanggap ang kanilang opisyal na ID na may litrato at ibigay sa Paying Agent ang nakalaan na numero ng transaksyon. Ang mga tatanggap ng padala ay kailangang maglagda sa resibo na ibibigay ng Paying Agent.

Tungkol sa UniTeller || Kasaysayan ng UniTeller | Mission, Vision and Values
Serbisyo || Nagpapadala ng Cash ang UniTeller | Domestic na Pagpapadala ng Pera ng UniTeller | UniTeller para sa Account sa Bangko | Door-To-Door Serbisyo
Sistema ng Money Transfer|| Money Transfer para sa POS Terminal | InstaPago Web Transfer | Telepono/Fax Money Transfer
Karagdagang Impormasyon|| Programa para sa Anti-Money Laundering | Mga Selling Agent Network | International Paying Network | Mga kadalasang tanong
Makipag-ugnayan sa UniTeller || Tulong sa mga Kostumer | Tulong para sa mga Ahente | Oportunidad ng Trabaho
Maging Ahente || Bakit maginhawa ang UniTeller para sa akin? | Mga kadalasang tanong | Hilingin ang Serbisyo
Mga problema sa website? Sumangguni lamang sa: webmaster@uniteller.com
UniTeller at Servicio UniTeller ay mga rehistradong tatak-pangkalakal ng UniTeller Financial Services, Inc. (UFSI) at ang bilog at ang logo ng palaso ay ang lahat ng serbisyo ng mga marka ng UFSI. Copyright 2002-2005 UFSI. All rights reserved. U.S. Pat. 6,983,013. Servicio UniTeller, Inc (UniTeller) ay lisensiyado bilang isang tagapagpadala ng pera sa Kagawaran ng Pagbabangko sa Estado ng New York. UniTeller ay lisensiyado maging sa iba pang Estado. Pribadong Patakaran.