 |

|
 |
Paglalarawan
Para matugunan ang mga pangangailangan ng aming mga kliyente na nagpapadala ng pera mula sa Estados Unidos, binuo ng UniTeller ang United State Domestic Money Transfer. Sa serbisyong ito, maaring makakuha ang magpapadala ng Instant ATM Cash Cards na siya gagamitn ng taong tatanggap para makuha ang pera mula sa mga ATM sa Estados Unidos.
Benepisyo
- Abot kaya ang service fee ng serbisyong ito at mas mura kaysa sa wire transfer service at mas maginhawa kaysa sa “Money Order” system
- Sakaling mawala ang Instant ATM Card, madaling itong kanselahin at palitan ng bago
- Makukuha ang pera sa alin mang Cirrus ATM sa Estados Unidos (Continental & Hawaii) o kahit sa ibang ATM Card POS Terminal sa iba’t ibang lokasyon
- Pwedeng gamitin ang Instant ATM Cash Card kahit ilang beses at kahit kailan
- Ang paggamit ng ATM Card ay walang expiration date
Paano ang Paggamit
- Pumunta sa pinakamalapit na UniTeller Agent
- Magtanong tungkol sa UniTeller Domestic service
- Ibigay ang mga kaukulang impormasyon mo at ng iyong tagatanggap ng pera
- Piliin kung papaano mo gusto ipadala ang Instant ATM Cash Card sa iyong tagatanggap. Mayroong dalawang (2) paraan:
* By Express Mail- Ipadadala ng UniTeller ang card diretso sa bahay ng tagatanggap (Walang dagdag gastos)
* Hilingin lamang na ipadala sa pamamagitan ng awtorisadong UniTeller Agent
- Ibibigay sa inyo ng UniTeller Agent ang Money Transfer Card at ang resibo na kasama ang folio number
- Ibigay sa tagatanggap ang Folio Number
- Pagkatanggap ng iyong tagatanggap ng Instant ATM Cash, bubuksan ang packet at tandaan ang PIN Number
- Pumunta kahit saang Cirrus ATM para makuha ang pera
- Sa bawat pagpapadala ng pera, pumunta sa awtorisadong UniTeller Agent
|
 |